Banhaw, Kulturang Pilipino, Pasiglahin, at Pagyabungin

Banhaw, Kulturang Pilipino, Pasiglahin, at Pagyabungin

nina: Cate Ong, Ashley Santillana, Justine Uy at Rafaella Handayan

Nakasanayan na nating mga Pilipino na ipagdiwang ang Buwan ng Wika tuwing buwan ng Agosto upang mabigyang halaga ang ating wika, pagkakakilanlan at ang ating kultura. Noong Agosto 28-29, 2019 ay ipinagdiwang ng Jubilee Christian Academy ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagkanta ng mga awiting Pilipino, pagtitinda ng mga pagkaing Pilipino, paglalaro ng mga larong Pilipino, at pagsusuot ng mga kasuotang Pilipino.

Banhaw Kulturang Pilipino

 

 

 

Ang espesyal na araw ay nagsimula sa pagkanta ng iba’t ibang kantang Filipino na pinangunahan nina Bb. Kathlyn Sauro, guro sa Filipino, at G. Marvin John Angeles, guro sa Agham, para sa mga mag-aaral at kapwa kawani sa paaralan.

Ipinagdiwang naman ng mga magaaral ng ika-9 at ika-10 antas ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagbebenta ng iba’t ibang uri ng tradisyonal at modernong meryenda sa kanilang recess at tanghalian. Ilan sa mga paninda ng “Nobilitreats” ng 9-Nobility ay ang black gulaman at mga cornicks; mga turon, kamote fries, at minatamis na saging naman ang binenta ng 9 – Freedom sa kanilang booth na “Kuya Ng”; mga ice candy, chicharon, at macaroons naman mula sa 9 – Sun Yat Sen sa kanilang booth na “Sun Yat Sari-sari Store”; nagbenta naman ng mga cornicks na kadalasan makikita sa mga sari-sari store ang ika-10 na baitang sa kanilang mga booths na tinawag na “Sariservice” ng 10-Service at “Purifoods” ng 10- Purity.

 

 

 

Hindi nagpatalo ang mga mag-aaral sa iba’t ibang larong Pinoy, tulad ng Giyera Patani at Sipa. Nanalo ang mga mag-aaral mula sa ikawalong antas laban sa ikapitong antas sa larong Giyera Patani. Ang mga kinatawan ng kalalakihan ng ikawalong antas ay sina Dwight Chua, Ethan Guillen, Nathan Lim, Justin Lim, Zachary Uy mula sa 8-Aristotle. Mula naman sa 8-Equality ay sina Jericho Bautista, Felipe Kan, Paris Ng Lio, Ryann Tan, Aidan Tanlimco at Milford Yao. Kasama rin sina Bryce Barraza, Carlos Ching, Adrian Ramos, at Kean Uy, mula sa 8-Righteousness. Ang mga kinatawan naman ng kababaihan ay sina Caityln Gonzales, Abigail Hong, Faith Palacio, Julianne Uy, at Maegan Young mula sa 8- Aristotle. Binubuo naman nina Maxine Chua, Shan De Guzman, Dia Fernando, Sophia Parreñas, at Tanya Te mula sa 8-Righteousness at si Arwen Lim ng 8-Equality.

Sa larong Sipa naman ay mayroong apat na pangkat na binuo kung saan may tig-iisang kinatawan mula sa bawat antas. Ang mga nanalo sa larong sipa ay sina Cairo Calubad ng 7- Truth, Bianca Tan mula 8- Aristotle, Joseph Lua ng 9- Freedom, at Charles Lim mula 10-Purity.

Bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagsuot ng mga Kasuotang Pilipino ang mga mag-aaral at kawani ng Junior High School. Masigasig na nakibahagi ang bawat isa sa programa. Ang mga kababaihan ay nagsuot ng mga baro at saya o patadyong, habang ang mga kalalakihan ay nagsuot ng barong tagalog o kamisa de tsino. Sa araw ding ito, isang paligsahan ang naganap kung saan pumili ng tig-iisang babae at lalaki sa bawat antas at kawani na may pinakamahusay na pananamit. Ang mga pinili ay sina

Banhaw Kulturang Pilipino 003

Banhaw Kulturang Pilipino 004

 

 

 

 

Shawn Chua ng 7 – Truth at Rhenia Aquilizan ng 7 – Rizal para sa ikapitong antas; Kyle Lleang at Chasaiah Tan ng 8 – Equality para sa ikawalong antas; Glenn Dy ng 9 – Freedom at Francine Ang ng 9 – Sun Yat Sen para sa ikasiyam na antas; at sina Carl Sia ng 10 – Service at Hannah Ong ng 10 – Solomon para sa ikasampung antas. Sa huli, ang nanalong Lakan at Lakambini ay sina Glenn Dy ng 9 – Freedom at Chasaiah Tan ng 8 – Equality at sina Mr. Jason Ng at Ms. Dianne Alcantara naman para sa mga kawani.

 

 

 

 

 

Natapos ang buwan ng wika kung saan muling nasariwa sa bawat mag-aaral ang kulturang Pinoy. Nawa’y ang pagpapahalaga nito ay hindi lang limitado tuwing sasapit ang Buwan ng Wika kundi maipakita natin ang pagpapahalaga sa ating kultura sa bawat araw. Gawin nating hamon sa ating mga sarili ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kulturang biyaya at ibinigay sa atin ng Panginoon.

Banhaw Kulturang Pilipino 005

loader-gif